TUNGKOL SA #LIKHAMalolos
ANO ANG LIKHA MALOLOS?
Sa pagpapalaganap ng inobasyong tiyak na nakatuon sa pangangailangan ng pamayanan, inilunsad ng Development Academy of the Philippines - Center for Strategic Features (DAP-CSF) ang LIKHA Malolos — isang aktibidad na nagbibigay-kakayahan sa mga mamamayan na direktang makibahagi sa paglutas ng mga isyu o suliranin ng bayan bilang kaakibat ng mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Malolos. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Solutions Ideation Process ng Linking Innovation Partners for Accelerated Development in the Philippines (LIPAD PH) Program.
Sa direksyon ng Data and Artificial Intelligence Laboratory (DAIL) ng DAP-CSF, ang LIKHA Malolos ay nagtatampok ng dalawang paraan ng inobasyon – ang citizen-sourcing at pledging. Ang citizen-sourcing ay isang aktibidad na kumokolekta ng mga ideya o konseptong bunga ng mga mamamayan na tutugon sa mga isyung kinakaharap ng kani-kanilang barangay, komunidad, o lungsod. Ang mga ideya o konseptong makokolekta ay hango mismo sa kanilang kultura, pagkamalikhain, at karanasan.
Matapos tipunin at siyasatin, ang mga mananalong ideya at konsepto ay i-dedevelop ng pledging partners ng DAIL upang maging ganap na solusyon na maipapatupad sa buong lungsod.
PAMANTAYAN SA PAGSALI
SINO ANG MAAARING SUMALI?
Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga residente ng Malolos City, anuman ang edad at trabaho. Kasama na rito, pero hindi limitado, sa mga mag-aaral, guro, at manggagawang kabilang sa pribadong sektor, MALIBAN SA: (1) puno (head) ng mga opis ng lokal na pamahalaan ng Malolos, at ng sangay ng mga pambansang ahensyang matatagpuan dito, at (2) kanilang mga kamag-anak hanggang sa ikalawang antas ng consanguinity o affinity.
Kabilang sa mga residente ang may kasalukuyan o permanenteng tirahan sa Lungsod ng Malolos.
MAAARI BANG LUMAHOK ANG GRUPO?
Maaaring magsumite ng idea entry bilang indibidwal o grupo ng kahit ilang miyembro. Kung sakaling grupo ang lalahok,, kinakailangan ang lahat ng myembro ay residente rin ng Malolos City.
PAMANTAYAN SA PAGSALI
ANU-ANONG URI NG SOLUSYON ANG MAAARING ISUMITE?
Ang inyong mga idea entries ay maaaring technology O non-technology solutions.
Ang technology solutions ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa:
Ang non-technology solutions ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa:
PAMANTAYAN SA PAGSALI
ANU-ANONG LOCAL CHALLENGES ANG DAPAT MATUGUNAN NG IDEA ENTRY?
Ang inyong idea entries ay dapat magbigay-tugon sa mga sumusunod na isyu o suliranin (local challenges) ng Malolos City na natukoy sa isinagawang Smart City Assessment and Validation Workshop:
Smart Environment
Paano natin mapapaigting ang disaster risk reduction and resilience capabilities ng lungsod ng Malolos?
Smart Mobility
Paano tayo makapagbibigay ng agarang impormasyon tungkol sa estado ng pampublikong transportasyon at/o real-time updates sa road at cycling infrastructure para mapaigting ang desisyon sa pag-bibiyahe at mabawasan ang oras sa daan?
Smart Economy
Paano natin masosolusyonan ang (1) mataas na porsyento ng mga walang trabaho, (2) paggawa ng oportunidad sa trabaho, at/o (3) itaguyod ang paglago ng lokal na ekonomiya sa lungsod ng Malolos?
Smart Governance
Paano natin mapaiigting ang pagbigay ng mahusay at madaling i-akses na serbisyo ng Malolos, tulad ng payment processing, permit applications, healthcare services, recreational services, atbp.?
Smart People
Paano natin mapauunlad ang kultura ng inobasyon, ma-eengganyo ang creative thinking at tech adoption, at mapasisiguro ang aktibong partisipasyon mula sa ating mga mamamayan sa paghubog ng kinabukasan ng Malolos?
Smart Living
Paano natin mababawasan ang krimen at aksidente o paunlarin ang pangkalahatang kaligtasan at seguridad ng Malolos?
MAAARI NIYO BANG TUKUYIN ANG LOCAL CHALLENGES SA BAWAT SMART CITY DOMAIN?
Sa konteksto ng Malolos, ang idea entry ay maaaring mag-pokus sa sumusunod na local challenges ng bawat smart city domain:
Smart Environment
Smart Mobility
Smart Economy
Smart Governance
Smart Mobility
Smart Economy
PAANO BA LUMAHOK?
Upang lumahok, isumite lamang ang inyong idea entry sa link na ito:
https://tinyurl.com/likhamalolos
Sa pagsumite ng idea entry, siguraduhin na ang inyong video ay gumagamit ng simpleng salita na madaling maiintindihan ng madla. Maaaring gumamit ng Ingles o Filipino bilang lenggwahe. Hinihikayat ang paglagay ng subtitles.
MGA SPESIPIKASYON:
MGA ALINTUNTUNIN
1. Sa pag-pipresenta ng innovation idea, ipinapayo ng CSF ang paggamit ng sumusnod na narrative o format sa pagkwento:
2. Siguraduhin na ang inyong video ay gumagamit ng simpleng salita na madaling maintindihan ng madla. Maaaring gumamit ng ingles o Filipino bilang lenggwahe. Hinihikayat ang paglagay ng subtitles.
3. Ang entries ay kailangang isumite bilang maikling videos gamit ang online form na ginawa ng CSF.
4. Sa pag-upload ng entry, ang mga kalahok ay sumasang-ayon na tumugon sa mga pamantayan at mekaniks na inilahad ng kompetisyon at ng mga itinalagang hurado.
MGA PATAKARAN
PAGSUMITE NG ENTRY:
EBALWASYON NG ENTRIES:
PAGBOTO NG PUBLIKO
Sa pamantayan ng public voting, ang iskor ng bawat entry sa ay ibabatay sa bilang ng LIKE (👍), HEART (❤️) at WOW (😲) reactions na matatanggap nito sa panahong itinakda para sa pagboto ng publiko lamang.
PREMYO
Dalawang set (tech at non-tech solutions) ng mananalong entries ang makatatanggap ng sumusunod na cash prizes:
1st Prize : PHP15,000.00
2nd Prize : PHP10,000.00
3rd Prize : PHP5,000.00
People’s Choice Award : PHP3,000.00
Siguraduhing i-like at i-follow ang official Facebook page ng DAP-CSF para sa announcements at updates ng #LIKHAMalolos.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring email ang DAP-CSF sa